Pelikulang Filipino Raw Pero Utak Koloniyal Pa Rin ๐Ÿ’”

avatar
(Edited)

Never again na ako manonood ng MMFF. Nakakadiri may English sub naka-hardsub sa loob ng sinehan. Ano ba tayo, di ba tayo Filipino?

Ang mga sine natin may subtitle ng wikang dayuhan sa sariling bayan? Nagpapatawa ba kayo? Colonial mindedness nyo pinapairal nyo pa rin! Mga elitista, mga edukado pero ano ang ginagawa nyo?


Maganda naman mga sine ngayon kaso wala na, ang puso at diwa ng Pinoy, utak colonial pa rin. Proud kayo na nakalaya sa mga Espaรฑol, galit na galit sa mga Hapon pero sa mga Amerikano ano? Akala nyo mga anak sila ng diyos? Hahaha. Parepareho lang silang mga mananakop! ๐Ÿ˜‚

Pinanood ko yung Penduko kasi akala ko baka walang English hardsub. Pagdating ko sa loob ng sinehan meron. Pati GomBurZa imbes kagaya ng subtitles sa trailer, ang nasa sinehan ay English subtitle! Shutangna puting-puti at anlaki pa, haha.

Inyo na lang ang Pilipinas kung ganyan. ๐Ÿ˜‚ Simpleng sine ganyan. Di sana ginawa nyo na lang English salita ng mga artista. Naglagay pa ng subtitle, pinahirapan pa sarili. ๐Ÿ˜† Gawin nyo nang parte ng US 'to tutal wala naman tayong sariling pagkatao hanggang ngayon. Kawawang Pilipinas.

Bahala kayo sa buhay nyo mga kapwa Pinoy. Bansang Katoliko lamang sa pangalan pero sa gawa karamihan wala, puro pa-albularyo, pamahiin, Feng Shui, atbp., dahil kulang sa paniniwala.

Pulos sarili lamang iniisip, mga nakapag-aral pero parang walang napag-aralan dahil puro pandaraya sa gobyerno at sa mga opisina, pati na sa asawa at pamilya. Aba eh wala na tayong patutunguhan pag ganyan. Tsk tsk tsk. Kaya wag n tayo magtaka kung bakit ganito ang buhay sa Pilipinas. Kung ayaw magbago, alam nyo na kung saan ang tungo.

Yun lang and thanks for coming to my TED Talk.





As requested, English translation mostly provided by Google Translate. Some editing by me, especially the figures of speech.

I will never watch MMFF again. It's disgusting that there is an English sub on hard sub inside the cinema. What are we, aren't we Filipinos?

Our movies subtitled in a foreign language in our own country? Are you kidding? You are still allowing your colonial mindset to exist! Elitists, educated people but what are you doing?

Movies shown are better now but all is lost, the heart and spirit of the Pinoy, the brain is still colonial. You are proud to be free from the Spaniards, very angry with the Japanese but what about the Americans? Do you all think they are children of gods? haha. They are all the same, conquerors! ๐Ÿ˜‚

I watched Penduko because I thought there might be no English hardsub. When I arrived inside the cinema, there is. Even GomBurZa instead of the subtitles shown in the trailer, the one in the cinema is English subtitled! Sonuva-- so white and big, haha.

Keep the Philippines to yourselves if that's the case. ๐Ÿ˜‚ Even a simple movie is like that. You should have just made the (spoken) words of the actors in English. Even added subtitles, just tortured yourselves. ๐Ÿ˜† Go make us part of the US, after all we still don't have our own personality until now. Poor Philippines.

Do whatever you want fellow Pinoys. A Catholic country only in name but mostly nothing in deed, all just witchcraft, superstition, Feng Shui, etc., because of lack of belief.

We are only thinking about ourselves, mostly educated but seems to have no education because of all the cheating in the government and the offices, as well as towards spouses and families. Well, we won't have anywhere to go if we're like that. Tsk tsk tsk. So let's not wonder why life in the Philippines is like this. If you don't want to change, you know where you're going.

That's all and thanks for coming to my TED Talk.



0
0
0.000
8 comments
avatar

Palitan na lang nila ang pangalan ng film festival, wag na MMFF --IFF (International Film Fest) os FAFF-- Fil-American Film Fest na...
Hindi rin ako magtataka kung ang mga pelikulang eto ay me hawig o ginaya sa banyagang pelikula.
Tulad dati ng Quezon... na dapat kwento ng buhay ni Pres. Quezon e me mga linya na ginaya sa Schindler's List.

Hindi naman talaga nawala ang colonial mentality eh. Tingnan mo ang kainan ngayon... ano kingakahiligan ng mga kabataan ngayon? Pati pananamit tingnan mo kung anong bansa ang "in" ngayon?

Sa paaralan nga eh, me mga batang estudyante na magagaling mag-ingles, pero pagdating sa Filipino at AP, hindi makakaintindi ng sariling wika.

Maligayang pasko.

(At ikaw pa lang ang nakapasulat sa akin ng ganito kahaba sa salitang Filipino. heheheh . English writer kasi ako eh... )

avatar

Haha, Maligayang Pasko rin po!

Ewan ko ba nakakadiri na utak kolonyal na Amerikano sa Pilipinas. Haluan na rin ng ibang lahi ayan, puro import imbes export. Kaya ang ending bagsak ekonomiya. ๐Ÿ˜† Hay buhay. Ewan ko na lang tlga, good luck na lang sa kinabukasan ng Pilipinas.

avatar

Do you mind translating this post into English as well? I donโ€™t mind the stuff you want to post but it has to be in English for me to read it :D

avatar
(Edited)

Hello. For Rant community? Sure.

avatar

Thanks for translating for me :D

It is a little annoying to get something translated like that in your own country to an audience you would expect to speak your language. It would be fine in a heavily American tourist area I suppose but even then it should be specified that it was done. I think itโ€™s unfortunate that many places are losing their roots due to globalization but sadly thatโ€™s how itโ€™s going to be for a while. I think we may push back against some of this but how much is yet to be seen.

avatar
(Edited)

Yeah, the movies are for us but they put such things. This is why I only watch local movies on streaming services now and on YouTube. Those that don't have hard subs.

The people watching movies are not even foreigners. It's not even an international film fest. Ugh.

Imho It's not globalization that's the problem. It's colonial mindedness. We can do globalization without such actions but no, welcome to the Philippines. Always trying to please the "lords" of the nation instead of giving respect to its own culture and people. ๐Ÿ˜‚ ๐Ÿ™„

avatar

Yeah thatโ€™s also annoying. I guess some people are always trying to accommodate others and before you know it, you lose yourselves entirely!